Menu

Gabay sa paraan ng paggamit

Nasasakop

Lahat ng mga pamilyang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang na naninirahan sa siyudad ng Osaka

Mga hakbang sa paggamit ng serbisyo

  1. STEP Rehistrasyon sa paggamit

    Pakikumpirma sa "Pakitingnan dito para sa rehistrasyon sa paggamit" sa ibaba.
    *Makakatanggap ng notipikasyon pagkatapos makumpleto ang rehistrasyon sa paggamit.

  2. STEP Reserbasyon para sa paggamit

    Pakigawa ang reserbasyon sa My Page pagkatapos makapagpasiya sa petsa at oras na kung kailan nais gamitin ang serbisyo at service provider.
    *Ipagkakaloob ang karagdagang impormasyon tungkol sa umpisa ng reserbasyon sa paggamit.

  3. STEP Paggamit

    Paggamit ng serbisyo
    Pagbayad ng singil sa paggamit

STEP1 Rehistrasyon sa paggamit

Pakigawa ang aplikasyon sa pagrehistro sa "Pakitingnan dito para sa rehistrasyon sa paggamit" sa ibaba
Isasagawa ng Childrearing Support Helper Bureau ang kumpirmasyon at ipapaalam ang resulta sa nakarehistrong email address.

<Mga bagay na dapat tandaan>
  • Ipapaalam sa nakarehistrong email address kung may mga bagay sa nilalaman ng aplikasyon na kailangang kumpirmahin.
  • Maaaring gawin ang rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo mula sa dalawang buwan bago ang inaasahang petsa ng panganganak.
Pakitingnan dito ang gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagpapabawas o exemption

STEP2 Reserbasyon para sa paggamit

Pakigawa ang reserbasyon sa My Page pagkatapos makapagpasiya sa petsa at oras na kung kailan nais gamitin ang serbisyo at service provider.
*Ipagkakaloob ang karagdagang impormasyon tungkol sa umpisa ng reserbasyon sa paggamit.

<Mga bagay na dapat tandaan>
  • Upang maging eligible sa pagtanggap ng exemption, kailangang makumpleto muna ang aplikasyon at pagsusuri o screening process bago gawin ang reserbasyon sa paggamit ng serbisyo.
  • Magpapadala ng email bilang kumpirmasyon sa pagtanggap ng reserbasyon pagkatapos gawin ang aplikasyon. Ipapadala din ang email para sa resulta ng ginawang reserbasyon.
  • Maaaring gawin ang reserbasyon mula sa dalawang buwan hanggang 10 business days bago ang araw na kung kailan nais gamitin ang serbisyo.
  • Kapag isinilang na ang sanggol na inilagay sa "Inaasahang petsa ng panganganak" sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo, kailangang iparehistro muna ang pagbabago sa impormasyon ukol sa bata bago gawin ang aplikasyon. Hindi maaaring gawin ang aplikasyon kapag ang impormasyon ng bata pagkatapos isilang ay hindi pa nairehistro.
  • Kapag may anumang pagbabago sa impormasyon ng gagamit ng serbisyo, tulad ng impormasyon ukol sa tirahan, sambahayan, at iba pa, siguruhing gawin ang aplikasyon sa pagrehistro sa mga pagbabago bago gawin ang aplikasyon para sa reserbasyon ng paggamit ng serbisyo.
  • Hindi maaaring gawin ang reserbasyon nang lampas sa natitirang oras ng pagbisita na maaaring gamitin. Pakikumpirma muna ang natitirang oras ng pagbisita bago gawin ang reserbasyon.
  • Kung nais tumanggap ng pagbabawas sa singil sa paggamit ng serbisyo, pakigawa muna ang aplikasyon para sa nabanggit na pagbabawas, at gawin ang reserbasyon pagkatapos tanggapin ang notis ng pag-apruba. Kapag gumawa na ng aplikasyon para sa reserbasyon, ang pagbabawas o exemption ay hindi maaaring ipatupad sa ginawang reserbasyon.

STEP3 Paggamit

Paggamit ng visitation support service
Pagbayad sa singil sa paggamit ng serbisyo

<Mga bagay na dapat tandaan>
  • Hindi isinasagawa ang pansamantalang pagkupkop sa bata o babysitting services. Kailangang nasa tahanan ang magulang at bata.
  • Pakikumpirma sa pahina ng listahan ng mga service providers para sa impormasyon tungkol sa pagbayad sa singil sa paggamit ng serbisyo.

Menu ng suporta

Menu para sa suporta sa pagtulong sa mga gawaing bahay

Nilalaman ng suporta para sa mga gawaing bahay Paghahanda ng pagkain at pagliligpit (pagluluto, paghahatid ng pagkain, paghuhugas ng pinggan)
Paglalaba (paglalaba, pagsasampay, pagtitiklop ng labada, paglalagay sa drawer, at iba pa)
Paglilinis, pag-aayos sa silid, at iba pa (pag-vacuum, pagpupunas sa sahig, pag-aayos sa pang-araw-araw na gawain, simpleng pagliligpit sa mga diyaryo, magazines, at iba pa)
Pamimili ng mga pang-araw-araw na kinakailangang bagay (pamimili ng mga consumable items at groceries na nabibili sa kalapit na mga supermarkets, convenience stores, at iba pa)

Menu para sa suporta sa pag-aalaga ng bata

*Ipinagkakaloob ang suporta sa pag-aalaga ng bata sa ilalim ng pangangasiwa ng magulang o tagapag-alaga.

Nilalaman ng suporta sa pag-aalaga ng bata Pag-aasikaso sa bata (pagpapalit ng damit, pagpapatulog, pakikipaglaro sa loob ng tahanan)
Pagtulong sa pagpapasuso, pagpapakain (paghahanda ng powdered milk, paglilinis at pag-sterilize ng baby bottles, pagliligpit, pagpapatunaw at pagpapainit sa gatas ng ina)
Pagpapalit ng diapers (paghahanda sa mga bagay para sa pagpalit ng diapers, pagpalit ng diapers, pagtapon ng paper diapers na ginamit na)
Pagtulong sa pagpapaligo (paghahanda sa paliguan ng sanggol, pagliligpit, pagbabanlaw ng maligamgam na tubig sa sanggol, pagpupunas, at pagpapalit ng damit)
Suporta sa paghahatid sa mga kapatid patungo sa nursery, at iba pa (paghahatid sa nursery at mga aralin gamit ang pampublikong transportasyon o paglalakad para sa mga batang nasa 3 taong-gulang hanggang sa early elementary school age) *Hindi maaaring gamitin nang mag-isa ang nilalaman ng suportang ito.
Suporta sa pagsama (pagsama sa magulang sa paggawa ng mga pamamaraan sa pampublikong institusyon, pagpapabakuna, pagsusuri sa kalusugan ng sanggol, at iba pa gamit ang pampublikong transportasyon o paglalakad)

Oras ng paggamit

8:00~20:00
Ang paggamit ay limitado sa isang beses sa isang araw at 2 oras, 3 oras o 4 oras para sa isang beses
Mula Lunes hanggang Linggo [maliban sa katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon (Disyembre 29 - Enero 3)]

Singil sa paggamit at mga pamamaraan para sa exemption

<Singil sa paggamit>

1,500 yen bawat oras
Libre para sa mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits at mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax kapag gumawa ng aplikasyon para sa exemption o pagbabawas

  1. Kailangang bayaran ang singil sa paggamit ng serbisyo sa service provider para sa bilang ng oras ng paggamit.
  2. Ang paraan ng pagbayad ay magkaiba depende sa service provider, kaya kailangang kumpirmahin muna.
  3. Ipapataw ang cancellation fee kapag ikinansela ang reserbasyon pagkalipas ng itinakdang panahon.
  4. Ang mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits at mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax ay maaaring gumawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo. Sa paggawa ng aplikasyon, kailangang isumite ang sumusuportang dokumento (tulad ng Application of Livelihood Support Certificate, Tax Certificate, at iba pa).

Bilang ng oras ng paggamit

0 taong-gulang Wala pang 1 taong-gulang mula sa pagsilang 40 oras sa kabuuan
1 taong-gulang Mula 1 taong-gulang hanggang bago umabot ng 2 taong-gulang 20 oras sa kabuuan
2 taong-gulang na bata Mula sa 2 taong-gulang hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan 20 oras sa kabuuan
0 taong-gulang Wala pang 1 taong-gulang mula sa pagsilang
40 oras sa kabuuan
1 taong-gulang Mula 1 taong-gulang hanggang bago umabot ng 2 taong-gulang
20 oras sa kabuuan
2 taong-gulang na bata Mula sa 2 taong-gulang hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan
20 oras sa kabuuan

Para sa sambahayang may ilang bata na eligible o nasasakop, ang kabuuang bilang ng oras ng paggamit ng bawat bata ay bibilangin.

Mga bagay na kadalasang tinatanong Pakitingnan dito para sa rehistrasyon sa paggamit