Mga bagay na kadalasang tinatanong
Tungkol sa serbisyo
Sistema / Pangkalahatang ideya
- Ano ang mga serbisyong maaaring gamitin?
- Ang sumusunod ay ang nilalaman ng suporta para sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng bata
〇Suporta sa mga gawaing bahay
・Paghahanda ng pagkain at pagliligpit pagkatapos kumain
・Paglalaba ng mga damit
・Paglilinis at pag-aayos ng mga silid at iba pa
・Pamimili ng mga kinakailangang bagay sa araw-araw na pamumuhay
・Iba pang suporta sa mga gawaing bagay na kailangang gawin sa araw-araw
〇Suporta sa pag-aalaga ng bata
・Tulong sa pagpapasuso at pagpapakain ng baby food
・Pagpapalit ng diapers
・Tulong sa paliligo
・Paghatid at pagsundo sa mga kapatid sa nursery, at iba pa
・Iba pang suporta sa pag-aalaga ng bata na kailangang gawin sa araw-araw
*Pakitingnan ang "Gabay sa paggamit" para sa karagdagang detalye.
- Ano ang Childrearing Support Helper Dispatch Program?
- Ang "Osaka City Childrearing Support Helper Dispatch Program" ay isang visitation service kung saan ipinagkakaloob ang suporta sa pagtulong sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng bata, na maaaring gamitin ng lahat ng mga pamilyang nakatira sa siyudad ng Osaka na nagpapalaki ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang. Layunin ng programang ito ang pagpapabuti sa suportang ipinagkakaloob sa mga pamilyang nahaharap sa mabigat na pasanin sa pag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang, at bigyang-daan ang paglikha ng isang kapaligiran na kung saan maaaring palakihin nang matiwasay at ligtas ang mga anak.
- Ang Childrearing Support Helper Dispatch Program ba ay isang programang ipinapatupad ng siyudad ng Osaka?
- Ang siyudad ng Osaka ay ang pangunahing implementing body ng programa, at inatasan nito ang pribadong contractor para sa operasyon ng programa at visitation support.
- May iba pa bang mga munisipalidad bukod sa siyudad ng Osaka na nagbibigay ng serbisyo sa pagpapadala ng helper para sa childrearing support?
- Walang detalyeng maaaring ibahagi tungkol sa mga hakbang na isinasagawa sa labas ng siyudad ng Osaka. Hinihikayat na sumangguni sa bawat lokal na pamahalaan para alamin ang mga detalye.
- May mga bagay ba na dapat tandaan sa pagtanggap ng visitation support service?
- Pakitandaan ang sumusunod sa paggamit ng visitation support service:
・Hindi gagawin ang suporta kapag wala ang magulang at batang nasasakop sa tahanan. Siguruhing lumagi sa bahay sa araw ng pagbisita.
・May limitasyon sa oras ng pagbisita para sa bawat edad ng batang nasasakop. Hindi maaaring gawin ang reserbasyon na lampas sa itinakdang limitasyon sa oras ng pagbisita.
・Hindi maaaring itakda o piliin ang helper na nais gamitin.
・Depende sa lagay ng reserbasyon, maaaring hindi makapunta ang service provider na nais gamitin.
・Ang mga kahilingang hindi kasali sa nilalaman ng suporta ay hindi maaaring tanggapin.
・Ipapataw ang singil sa pagkansela kapag kinansela ang reserbasyon sa araw ng pagbisita, o paglampas ng 5:00 p.m. sa nakaraang business day, o kapag hindi maisagawa ang serbisyo dahil wala sa tahanan sa itinakdang araw ng pagbisita.
*Para sa detalye tungkol sa visitation support service, pakikumpirma sa website ang "Gabay sa paggamit".
- Anong mga bagay ang hindi maaaring gawin sa serbisyo?
- Pakitingnan sa website ang "Gabay sa paggamit" para sa mga bagay na hindi maaaring gawin sa visitation support service. Ang sumusunod ay ilan sa mga halimbawa.
・Pagbigay ng suporta kahit wala ang magulang (pati ang kaso na kung saan nasa labas ng bahay sa oras ng pagdating ng helper)
・Paghiling ng suporta na lampas sa lawak ng araw-araw ng gawaing bahay at pag-aalaga sa bata, tulad ng paghahanda para sa isang party, at iba pa
・Pabayarin ang helper sa mga bagay tulad ng pagbili ng pagkain
・Pag-utos sa helper na gawin ang money transfer para sa magulang sa isang pinansiyal na institusyon,
at iba pa
Oras ng paggamit
- Ano ang bilang ng oras para sa paggamit ng serbisyo?
- Ang sumusunod ay ang bilang ng oras na magagamit para sa serbisyo:
・Mula sa pagsilang hanggang hindi aabot ng 1 taong-gulang: 40 oras sa kabuuan
・Mula sa 1 taong-gulang hanggang hindi aabot ng 2 taong-gulang: 20 oras sa kabuuan
・Mula sa 2 taong-gulang hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan: 20 oras sa kabuuan
*Para sa sambahayang may ilang bata na eligible o nasasakop, ang kabuuang bilang ng oras ng paggamit ng bawat bata ay bibilangin.
- Maaari bang gamitin ang serbisyo nang ilang beses sa isang araw?
- Maaari lamang gamitin nang isang beses sa isang araw.
- Ilang oras sa isang beses maaaring gamitin ang serbisyo?
- "Maaaring gamitin sa 2, 3, o 4 oras bawat beses (sa 1-hour increments na paggamit)
*Ang bilang ng mga bata na tumatanggap ng serbisyo ay hindi nakakaapekto sa magagamit na oras.
- Ano ang oras ng paggamit kapag may maraming anak mula sa edad na 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang?
- Sa kaso ng sambahayang may maraming anak na eligible o nasasakop sa visitation support service, ang kabuuang oras ng paggamit sa serbisyo ng bawat bata ay ang oras na maaaring gamitin ng sambahayan.
- Paano kinakalkula (binabawasan) ang oras na ginamit, kung may maraming anak mula 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang?
- Kung may maraming bata na eligible o nasasakop para sa visitation support service sa loob ng sambahayan, ang bilang ng oras na ginamit ay ibabase sa bilang ng oras para sa batang nasasakop na may pinakamaikling validity period.
Ang bilang ng oras na ginamit para sa visitation support service ay ibabawas mula sa kabuuang bilang ng oras na maaaring gamitin para sa visitation support service para sa bawat eligible na bata.
- Anong oras maaaring gamitin ang visitation support service?
- Ang visitation support service ay maaaring gamitin mula sa 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m., maliban sa Disyembre 29 hanggang Enero 3 sa sumunod na taon. Subalit, ang petsa at oras ng pagbisita ay magkaiba depende sa service provider ng visitation support, kaya kailangang kumpirmahin sa "Listahan ng service provider" para sa mga detalye ukol sa oras ng operasyon.
- Gaano katagal maaaring gamitin ang serbisyo sa isang beses?
- Ang oras ng paggamit para sa isang beses ay mula 2 oras, sa loob ng 4 oras (1 hour increments)
*Ang itinakda sa itaas ay ang upper limit o limitasyon kahit sa kaso ng maraming anak.
Mga tuntunin sa paggamit
- May mga kondisyon ba sa paggamit ng serbisyo?
- Maaaring gamitin ang serbisyo kapag pumailalim sa sumusunod na mga kondisyon:
・Nakatira sa loob ng siyudad ng Osaka
・Ang pamilya ay nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang sa araw ng paggamit ng visitation support
- Maaari bang gamitin ang serbisyo kahit wala ang magulang sa bahay?
- Kailangang nasa tahanan ang magulang at ang batang nasasakop.
- Maaari bang iwanan ang bata sa helper habang nasa labas ng bahay?
- Hindi isinasagawa ang pansamantalang pagkupkop sa bata o babysitting services.
Kailangang nasa tahanan ang magulang sa lahat ng oras sa panahon ng pagbisita.
- Maaari din bang gamitin ito kung maraming anak?
- Ang serbisyo ay maaaring gamitin ng mga pamilyang may maraming anak. Subalit, kailangang matupad ang sumusunod na kondisyon:
・Kailangan na ang pamilya ay nag-aalaga ng batang mula 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang sa araw ng paggamit ng visitation support service.
- Maaari bang gamitin ang serbisyo kahit lumipat sa siyudad ng Osaka kamakailan lang?
- Ang sinumang naninirahan sa loob ng siyudad ng Osaka ay maaaring gumamit ng serbisyo.
Subalit, kailangang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang ang pamilya sa araw ng paggamit ng visitation support service.
- Maaari bang gamitin ang serbisyo kung may iba pang mga kapatid bukod sa batang nasasakop ng serbisyo?
- Maaaring gamitin ang serbisyo kung ang batang nasasakop ay nasa tahanan. Isinasagawa din ang paghatid at pagsundo sa mga kapatid.
- May mga pamamaraan ba o paghahanda na kailangang gawin bago tanggapin ang visitation support service?
- Ang sumusunod na mga pamamaraan at iba pa ay kailangang gawin para gamitin ang serbisyo:
①"Aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit": Pakigawa sa website ang rehistrasyon sa paggamit. Pagkatapos ng aplikasyon, isasagawa ang pagsusuri o screening, at ang mga nakakumpleto ng aplikasyon lamang ang maaaring gumamit ng visitation support service. Para sa mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits at mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax na nais gumawa ng aplikasyon para sa exemption o pagbabawas sa singil sa paggamit ng serbisyo, kailangang ihanda ang sumusunod na mga dokumento.
・Para sa mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits: Application of livelihood Support Certificate, Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate
・Para sa mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax: Tax Certificate (kailangang isumite para sa lahat ng miyembro na may kita o income)
②Reserbasyon para sa petsang nais itakda sa pagbisita: Pakilagay ang petsa at oras na nais itakda para sa pagbisita, service provider na gagamitin sa pagbisita, at iba pang impormasyong kinakailangan para sa pagbisita mula sa "Reservation adjustment" sa website. Pagakatapos ilagay ang impormasyon, magbibigay ng notipikasyon kung maaaring gawin ang pagbisita o hindi.
③Kung tatanggap ng visitation support service: Kailangang ihanda nang antimano ang sumusunod na mga bagay.
・Singil sa paggamit ng serbisyo (pakitingnan sa website ang "Listahan ng service providers" para sa paraan ng pagbayad)
- Hanggang sa anong edad maaaring gamitin ang suporta?
- Ang sumusunod ay ang edad na nasasakop sa pagtanggap ng visitation support service:
・Mga batang mula 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang
・Mga batang sasapit sa unang Marso 31 matapos ang ika 3 taong-gulang na kaarawan
*Depende sa nilalaman ng visitation support service, maaaring maging eligible din ang mga kapatid ng batang nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo, subalit ang mga pamilyang walang eligible na anak ay hindi maaaring tumanggap ng visitation support service.
- Maaari bang tumanggap ng serbisyo hanggang sa susunod na kaarawan kung ang bata ay nasa 3 taong-gulang sa taong kasalukuyan?
- Ang mga batang nasa 3 taong-gulang sa kasalukuyan ay nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo "hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan". Kung may iba pang eligible na bata sa loob ng pamilya, maaaring sabay na tumanggap ng serbisyo.
- Ilang beses maaaring gamitin ang visitation support service?
- Maaaring gamitin ang serbisyo nang ilang beses sa loob ng oras ng pagbisita. Subalit, maaari lamang itong gamitin nang isang beses sa loob ng isang araw, at ang oras ng paggamit sa isang beses ay hindi bababa sa 2 oras hanggang 4 oras sa pinakamahaba (sa 1 hour increments).
- Kailan maaaring gamitin ang serbisyo?
- Ang umpisa ng adjustment sa reserbasyon sa paggamit ng visitation support service ay sa Marso 28, 2025. Para gumawa ng reserbasyon, kailangang gawin muna ang ""Aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit"" at makumpleto ang pagsusuri. Maaaring gawin ang reserbasyon simula sa Abril 10.
- Maaari bang gawin ang rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo kahit nagbubuntis sa kasalukuyan?
- Maaaring gumawa ng aplikasyon sa pagrehistro ang mga nagbubuntis mula sa dalawang buwan bago ang inaasahang petsa ng panganganak. Subalit, dahil kailangan ang impormasyon ukol sa batang nasasakop sa paggawa ng reserbasyon para sa visitation support service, kailangang gawin muna ang pagrehistro sa impormasyon ukol sa bagong silang na sanggol bago gawin ang reserbasyon. Bukod pa rito, hindi maaaring gawin ang aplikasyon sa pagrehistro sa paggamit ng serbisyo kapag ang inaasahang araw ng panganganak ng nagbubuntis ay higit sa dalawang buwan mula sa petsa ng aplikasyon sa pagrehistro sa paggamit ng serbisyo.
- Maaari bang gamitin ang serbisyo sa kaso na kung saan naninirahan na sa siyudad ng Osaka pero hindi pa naililipat ang Residence Registry?
- Maaaring gamitin ang serbisyo kapag naninirahan na sa siyudad ng Osaka.
- Hanggang sa anong edad maaaring gamitin ang suporta sa paghatid at pagsundo sa magkakapatid?
- Walang itinakdang limitasyon sa edad ng mga kapatid na kasama ng batang nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo. Subalit, hindi maaaring gamitin para sa suporta sa paghahatid at pagsusundo lamang.
- Maaari bang gumawa ng aplikasyon sa kaso na kung saan nais tumanggap ng pagbabawas o exemption sa singil ng paggamit ng serbisyo pero nagtatrabaho ang puno ng sambahayan sa ibang lugar at sa ibang sambahayan?
- ・Tax Certificate: Maaaring gawin ang aplikasyon kapag isusumite ang tax certificates ng lahat ng miyembrong may kita o income.
・Application of Livelihood Support Certificate, Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate: Maaaring gawin ang aplikasyon kahit hindi nakalista ang puno ng sambahayan sa mga dokumento. Subalit, may posibilidad na makatanggap ng tawag para kumpirmahin ang nilalaman ng aplikasyon.
Singil sa paggamit
- Magkano ang singil sa paggamit ng serbisyo?
- Ang sumusunod ay ang singil na dapat bayaran sang-ayon sa oras ng paggamit ng visitation support service:
1,500 yen bawat oras
*Ang mga nasa sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits o sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax ay maaaring gumawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo. Pakitingnan sa website ang "Gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption" para sa karagdagang detalye.
- Ano ang singil sa paggamit ng serbisyo kung may maraming anak?
- Ang singil ay binabase sa bilang ng oras na ginamit para sa visitation support service. Ang bilang ng batang nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo ay hindi nakakaapekto sa singil.
Halimbawa: Kapag ang visitation support service ay ginamit nang 2 oras para sa dalawang nasasakop na bata, ang singil ay 1,500 yen / oras x 2 oras.
*Ang singil na nabanggit sa itaas ay naiiba sa singil na ipinapatupad para sa mga nakatanggap ng exemption.
- Paano bayaran ang singil sa paggamit ng serbisyo?
- Ang paraan ng pagbayad ay magkaiba depende sa service provider na gagamitin, kaya kailangang kumpirmahin ang "Listahan ng service providers" para sa mga detalye o sumangguni sa service provider na bibisita.
- Kailan at kanino babayaran ang singil sa paggamit ng serbisyo?
- Singil sa Pakibayaran ang singil sa paggamit ng serbisyo sa bibisitang service provider (pakikumpirma sa gagamiting service provider ang paraan at panahon ng pagbayad)
Call Center
- Ano ang oras ng pagbukas ng call center?
- Oras ng operasyon sa Osaka City Childrearing Support Helper Bureau:
Lunes hanggang Biyernes at Sabado: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
*Maaaring magbago ang araw at oras ng pagbukas sa Osaka City Childrearing Support Helper Bureau, kaya kailangang kumpirmahin sa "website" para alamin ang pinakabagong impormasyon.
Service provider para sa pagbisita
- Aling service provider ang maaaring gamitin para sa pagbisita?
- Pakikumpirma sa "Listahan ng service providers" sa website. *Posibleng magbago sa anumang oras ang service providers na maaaring bumisita.
Nilalaman ng suporta
- Tungkol sa pagtulong sa pagkain kabilang sa suporta sa gawaing bahay, kasali ba ang pangangasiwa sa allergy?
- Hindi maaaring ihanda ang mga allergy-free meals.
- Maaari bang hilingin ang pamimili?
- Ipinagkakaloob ang suporta sa pamimili para lamang sa mga kinakailangang bagay tulad ng pagkain at mga consumables.
- Maaari bang makiusap na ihatid at sunduin sa sasakyan ang bata?
- Ipinagkakaloob ang suporta para sa paghahatid at pagsusundo sa batang nasasakop pati ang mga kapatid nito sa nursery, at iba pa. Subalit, hindi isinasagawa ang suporta sa paghahatid at pagsusundo lamang.
- Maaari bang makiusap na magmaneho ng kotse?
- Hindi isinasagawa ang pagmaneho ng sasakyan para sa magulang o tagapag-alaga ng bata.
- May iba pa bang mga gawaing bahay na kinakailangang gawin sa araw-araw na sakop ng serbisyo?
- Isinasagawa ang iba pang suporta sa gawaing bahay tulad ng pagsasampay ng mga futon, pagpapalit ng bedsheets, at iba pa.
- May iba pa bang suporta sa pag-aalaga ng bata na kinakailangang gawin sa araw-araw na sakop ng serbisyo?
- Ipinagkakaloob ang suporta sa pagsama sa sanggol sa health checkup, at iba pa gamit ang pampublikong transportasyon o paglalakad.
- Maaari bang samahan ng helper ang batang nasasakop at magulang sa paglabas ng bahay?
- Ipinagkakaloob ang suporta sa pag-aalaga ng bata para sa magulang na nasa loob ng tahanan. Pakikumpirma sa service provider ang suporta sa paglabas ng bahay.
- Maaari din bang humiling ng suporta kapag nasa labas ng bahay?
- Ang suporta ay hindi ipinagkakaloob sa iba pang lugar maliban sa nakarehistrong tirahan sa "Aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit".
Paraan ng pagawa ng aplikasyon
- Ano ang mga pamamaraan sa paggamit ng serbisyo?
- ① Para sa hindi pa nakagawa ng "Aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit": Pakigawa ang aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo sa website. Isasagawa ang pagsusuri pagkatapos ng aplikasyon, at ang mga nakakumpleto ng aplikasyon lamang ang maaaring gumamit ng visitation support service. Para sa mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits at mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax na nais gumawa ng aplikasyon para sa exemption o pagbabawas sa singil sa paggamit ng serbisyo, kailangang ihanda ang sumusunod na mga dokumento.
・Application of livelihood Support Certificate, Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate
・Tax Certificate (kailangang isumite para sa lahat ng miyembro na may kita o income)
Kung nais gawin ang aplikasyon sa papel, hilingin ang application form sa tanggapan ng Childrearing Support Helper Bureau. Isasagawa ang pagkumpirma sa padadalhang address, pangalan at impormasyon ukol sa aplikante (pangalan at contact information) at pagkatapos ay magpapadala ng sobre. Pakisulatan ang kinakailangang impormasyon at ibalik ito gamit ang kalakip na return envelope.
② Para sa hindi pa nakagawa ng reserbasyon sa petsang nais gamitin sa pagbisita: Pakilagay ang petsa at oras na nais itakda para sa pagbisita, service provider na gagamitin sa pagbisita, at iba pang impormasyong kinakailangan para sa pagbisita mula sa "Reservation adjustment" sa website. Pagakatapos ilagay ang impormasyon, magbibigay ng notipikasyon kung maaaring gawin ang pagbisita o hindi, kaya pakikumpirma ito.
Tungkol sa pagpaparehistro para sa paggamit
Tungkol sa aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit
- Saan maaaring gawin ang aplikasyon?
- Kapag hindi pa naisasagawa ang pagrehistro sa paggamit ng serbisyo, pakirehistro ang kinakailangang impormasyon sa "Rehistrasyon sa paggamit sa website kasabay ng paglikha ng sariling "My Page".
Para sa mga nakagawa na ng "My Page", pakikumpleto ang aplikasyon mula sa "Aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit" ng serbisyo.
- Ano ang mga kinakailangang bagay sa paggawa ng aplikasyon?
- Para sa mga gumawa ng aplikasyon sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo, kailangang isumite ang kopya (image) ng sumusunod na mga dokumento. Pakihanda ang mga dokumento sa oras ng paggawa ng aplikasyon. Hindi kailangang isumite ang anumang dokumento kapag hindi gagawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption.
Para sa mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits:
・Application of Livelihood Support Certificate (kung saan nakasulat ang pangalan at petsa ng kapanganakan ng lahat ng miyembro ng sambahayan)
・Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate
Para sa mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax:
・Tax Certificate (para sa lahat ng miyembrong may kita o income)
Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang "Gabay sa paggawa aplikasyon para sa pagbabawas o exemption."
- Ano ang dapat gawin kapag hindi maisagawa ang online application?
- Kapag hindi maisagawa ang aplikasyon sa website, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para tanggapin ang papel na application form sa koreo.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Ano ang mangyayari kapag hindi naisagawa ang aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo?
- Kailangang iparehistro ang impormasyon ukol sa mga gagamit ng serbisyong ito. Hindi maaaring gamitin ang serbisyo kapag hindi naisagawa ang rehistrasyon.
My Page
- Ano ang verification code?
- Ito ang impormasyon na gagamitin sa pagrehistro sa impormasyon ng gagamit ng serbisyo sa "My Page." Kinakailangan ang verification code sa pagrehistro sa "My Page."
- Kapag nagkamaling tanggalin ang verification code na nakasulat sa email
- Pakiulit ang proseso mula sa pagrehistro ng email address.
- Bakit hindi pa ipinapadala ang verification code sa email?
- 1. Pakikumpirma kung tama ang email address.
2. Pakikumpirma kung napunta ito sa junk (spam) folder. May kaso na kung saan napupunta ang pinadalang email sa junk folder.
3. Pakikumpirma kung hindi pa napuno ang mailbox para sa emaill. Hindi makakatanggap ng email kapag napuno o walang natitirang free space sa mailbox.
4. Pakikumpirma kung walang domain-specific setting sa pagtanggap ng email (kalimitan ay sa mobile email). Ito ay karaniwang kaso sa mobile email, pero maaari din na mangyari sa PC email. Pakikumpirma kung may nagawang setting sa main specification function. Kung sakaling nagawa ang setting, pakiayos ang setting upang makatanggap ng emails mula sa domain ng nagpapadala ng email sa "omotenashi-suite.com".
5. Pakikumpirma kung hindi ginawa ng sariling mobile provider ang pag-block sa email. May kaso na kung saan may mga hakbang sa pagpigil ng junk mail o spam na isinasagawa sa panig ng mobile provider para pigilan ang emails mula sa tugmang domains o di kaya'y mga emails na pumapailalim sa itinakdang kondisyon.
Sumangguni sa sariling mobile provider upang alamin kung isinasagawa nito ang pagpigil sa emails mula sa tugmang domains o mga emails na pumapailalim sa mga kondisyong itinakda ng provider.
Input item
- Ano ang ibig sabihin o kahulugan ng salitang "Magulang"
- Kabilang dito ang mga magulang, tagapag-alaga ng batang menor de edad, at iba pa na kasalukuyang may kustodya o pangangalaga sa bata.
- Kapag hindi maisagawa ang pagrehistro sa sariling tirahan
- Ang "Tirahan" o address sa aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo ay maaari lamang irehistro sa loob ng siyudad ng Osaka. Ang mga address sa labas ng siyudad ng Osaka ay hindi maaaring irehistro.
- Ano ang dapat ilagay kapag walang "Pinakamalapit na estasyon"?
- Para sa "Pinakamalapit na estasyon", pakilagay ang pinakamalapit na railway station o bus stop.
- Ano ang ibig sabihin o kahulugan ng salitang "Batang nasasakop"
- Ito ang mga batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang (*) na nakatira sa loob ng siyudad ng Osaka sa petsa ng paggamit ng serbisyo.
*Hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan
- Maaari bang magparehistro bago manganak?
- Maaaring gawin ang rehistrasyon mula sa dalawang buwan bago ang inaasahang petsa ng panganganak. Subalit, dahil kailangan ang impormasyon tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan ng batang nasasakop sa paggamit ng serbisyong ito, pakigawa ang aplikasyon para sa pagbabago ng rehistrasyon pagkatapos manganak.
- Hindi sapat ang input column ukol sa bata sa loob ng porma
- Dahil hindi maaaring gawin ang pagrehistro ng impormasyon para sa anim o higit pang eligible na mga bata sa application form, kailangang sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Hindi magawang piliin ang petsa ng kapanganakan ng bata sa loob ng porma
- Ang hilera sa petsa ng kapanganakan sa application form para sa rehistrasyon ay limitado lamang sa mga batang pumapailalim sa nasasakop na lawak ng edad para sa serbisyo. Kung walang makitang petsa ng kapanganakan na maaaring pagpilian, nangangahulugang hindi nasasakop ang edad ng bata sa target age para maging eligible, kung kaya hindi maaaring gamitin ang serbisyo.
- Ano ang aplikasyon para sa pagbabawas o exemption?
- Ang mga "sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits" at mga "sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax" ay maaaring gumawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo, at iba pa.
- Paano kung nagkamaling gumawa ng aplikasyon nang dalawang beses?
- Dahil kailangang tanggalin ang parehong impormasyon, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Maaari bang gawin ng mag-asawa ang bukod na aplikasyon para sa rehistrasyon ng paggamit ng serbisyo?
- Pakigawa ang aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo batay sa pamilya. Kapag nagkamaling gumawa ng ilang aplikasyon para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
Aplikasyon sa papel
- Saan maaaring makakuha ng papel na application form para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo?
- Kapag hindi maisagawa ang aplikasyon sa website, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para tanggapin ang papel na application form sa koreo.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Maaari bang nasa labas ng siyudad ng Osaka ang address na kung saan ipapadala ang application form para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo?
- Maaaring nasa labas ng siyudad ng Osaka ang address na kung saan ipapadala ang application form. Subalit, ang address para sa pagbisita ng helper ay dapat nasa loob ng siyudad ng Osaka.
- Hindi pa natatanggap ang application form na hinihiling.
- "Mga isang linggo pagkatapos tanggapin ang kahilingan, ipinapadala ang application form para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau kapag hindi pa natatangap ang dokumento sa nabanggit na panahon.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)"
- Ipapaalam ba kapag nagkaroon ng problema sa isinumiteng papel na application form?
- Makakatanggap ng tawag sa telepono mula sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau kapag may mga bagay na kinakailangang kumpirmahin sa nilalaman ng isinumiteng application form. Kapag hindi makumpirma ang impormasyon, maaaring hilingin na iwasto uli ang application form.
Suporta pagkatapos ng aplikasyon
- Gaano katagal bago malaman ang resulta sa ginawang aplikasyon?
- Bilang patakaran, ang resulta ay ipapaalam sa email sa loob ng tatlong business days mula sa araw ng paggawa ng aplikasyon para sa online application. Sa kaso ng aplikasyon gamit ang papel na application form, ang resulta ay ipapaalam sa pamamagitan ng koreo mga isang linggo pagkatapos matanggap ang application form para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Subalit, depende sa problema, at iba pa sa nilalaman ng aplikasyon, maaaring tumagal ito kaysa nakasaad na bilang ng mga araw.
- May kaso ba na kung saan hindi maaaring gawin ang rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo?
- Ang programang ito ay para sa mga pamilyang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang (*) na naninirahan sa loob ng siyudad ng Osaka sa petsa ng paggamit ng serbisyo.
*Hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan
Hindi maaaring gamitin ang serbisyo kapag hindi natupad ang mga kondisyon. Bukod pa rito, hindi rin maaaring irehistro kapag hindi nalulutas ang anumang problema sa nilalaman ng aplikasyon, at iba pa.
- Bagama't nais gamitin ang serbisyo ay nakatanggap ng abiso na hindi maaaring gawin ang rehistrasyon.
- Hindi maaaring gamitin ang serbisyo kapag hindi natupad ang mga kondisyon sa paggamit ng programang ito.
Pakikumpirma uli sa ibaba ang mga kondisyon sa paggamit. Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para sa anumang katanungan.
Kondisyon sa paggamit:
Ang programang ito ay para sa mga pamilyang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang (*) na naninirahan sa loob ng siyudad ng Osaka sa petsa ng paggamit ng serbisyo.
*Hanggang sa unang Marso 31 matapos sumapit ang ika 3 taong-gulang na kaarawan
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- May natanggap na abiso na nagpapaalam na nakumpleto na ang rehistrasyon. Anong mga pamamaraan ang dapat gawin pagkatapos nito?
- Pagkatapos makumpleto ang rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo, maaaring gumawa ng reserbasyon para sa pagbisita ng helper. Pagkatapos maitakda ang petsa, oras at service provider na nais gamitin, pakigawa ang reserbasyon para sa petsa at oras ng pagbisita gamit ang "Reservation Adjustment" sa "My Page".
Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon
- Paano baguhin ang nakarehistrong impormasyon
- Pagkigawa ang mga pagbabago sa nakalaang porma sa "Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon" sa "My Page". Ang petsa ng kapanganakan ng batang nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo ay hindi maaaring baguhin sa "Porma sa pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon", kaya kailangang sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau. Kapag naisagawa na ang pagreserba sa araw ng pagbisita, hindi maaaring gawin ang anumang pagbabago sa impormasyon hangga't hindi nakukumpleto o di kaya'y nakansela ang lahat ng reserbasyon na ginawa para sa pagbisita. Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para sa anumang mga katanungan.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Ano ang dapat gawin kapag nais baguhin ang address para sa pagbisita pagkatapos ipareserba ang araw ng pagbisita?
- Hindi maaaring baguhin ang address pagkatapos gawin ang reserbasyon sa pagbisita. Pakigawa ang pagkansela sa reserbasyon at baguhin ang address sa nakalaang porma sa "Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon". Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para sa anumang mga katanungan.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Gaano katagal bago makita ang mga pagbabagong ginawa sa impormasyong nasa rehistrasyon?
- Pagkatapos gawin aplikasyon para sa pagbabago sa nakalaang porma sa "Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon", makikita ang mga pagbabago sa 1 hanggang 2 business days. Subalit, depende sa problema at iba pa sa nilalaman ng aplikasyon, maaaring tumagal ito kaysa nakasaad na bilang ng mga araw.
- Hindi maisagawa ang pagbabago sa petsa ng kapanganakan ng bata
- Hindi maaaring baguhin ang petsa ng kapanganakan ng bata gamit ang nakalaang porma sa "Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon". Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
- May natanggap na email na nagsasaad na "Hindi maaaring baguhin ang impormasyon"
- Kapag binago ang impormasyon sa rehistrasyon pagkatapos gawin ang reserbasyon para sa araw ng pagbisita, makakatanggap ng email na nagsasaad na "Hindi tinanggap ang pagbabago sa impormasyon sa rehistrasyon". Pakigawa uli ang pagbabago sa impormasyon sa rehistrasyon pagkatapos makumpleto o di kaya'y makansela ang lahat ng reserbasyon na ginawa para sa pagbisita. Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para sa anumang mga katanungan.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
Tungkol sa aplikasyon para sa exemption
Kalakip na dokumento
- Gaano katagal ang bisa o validity period ng dokumentong nagpapatunay sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo?
- Ang expiration date ay magkaiba depende sa dokumentong isusumite.
・Application of livelihood Support Certificate: Mula sa Abril hanggang Marso sa piskal na taon ng pag-isyu ng sertipiko. Subalit, kung may expiration date sa sertipiko, balido ito hanggang sa petsang nakasaad sa sertipiko.
・Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate: Mula sa Abril hanggang Marso ng kasalukuyang piskal na taon. Subalit, kung may expiration date sa sertipiko, balido ito hanggang sa petsang nakasaad sa sertipiko.
・Tax Certificate: Maaaring tumanggap ng pagbabawas sa buwis mula sa Hunyo ng kasalukuyang piskal na taon hanggang sa katapusan ng Hulyo ng susunod na piskal na taon.
Para sa mga detalye, pakikumpirma sa "Gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption".
- Kaugnay sa kalakip na mga dokumento sa aplikasyon para sa pagbabawas o exemption, maaari bang gawin ang aplikasyon gamit ang sertipikong ginawa sa ibang lugar maliban sa siyudad ng Osaka?
- Pakigamit ang Application of livelihood Support Certificate at Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate na ginawa sa siyudad ng Osaka. Ang pag-isyu ng Tax Certificate ay gagawin ng munisipalidad na kung saan nakatira sa Enero 1, kaya kapag lumipat sa siyudad ng Osaka mula sa ibang lugar, pakisumite ang sertipiko mula sa munisipalidad na kung saan nakatira sa Enero 1. Bagama't hindi na kailangang maglakip ng Tax Certificate ang mga nakatira sa ibang bansa sa Enero 1 na walang resident registration sa Japan, hinihikayat na isulat ang petsa ng paglipat sa siyudad at ang pook na pinagmulan sa remarks section ng application form para sa pagbabawas o exemption. Para sa mga katanungan, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Sa oras ng paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption, ano ang dapat gawin kapag ang pangalan at address sa aplikasyon ay magkaiba sa impormasyong nakarehistro sa paggamit ng serbisyo?
- Kapag ang pangalan at address sa sertipiko ay iba sa nakarehistrong impormasyon, pakilagay ang dahilan sa oras ng paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption. Subalit, kapag lumipat at maaaring makakuha ng dokumentong naglalaman ng bagong address, pakikuha uli ang dokumento.
Input item
- Gaano ang lawak ng impormasyon ukol sa sambahayan na dapat ilagay sa hilera ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo?
- Pakilagay ang magulang o tagapag-alaga ng bata na nakarehistro sa guardian information at lahat ng mga miyembrong kasama sa pamumuhay.
Pakilagay din ang impormasyon ukol sa ama, ina, at iba pa na nagtatrabaho sa ibang lugar, kahit nasa ibang sambahayan pero kasama sa pamumuhay.
- Maaari bang gawin ang aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa iba pang panahon?
- Maaaring gawin ang aplikasyon para sa pagbabawas o exemption nang bukod sa aplikasyon para sa rehistrasyon ng paggamit. Subalit, upang tanggapin ang pagbabawas o exemption, kailangang makumpleto ang aplikasyon at pagsusuri o screening bago gawin ang aplikasyon para sa reserbasyon sa paggamit ng serbisyo.
- Kailangan bang isumite ang tax certificate para sa batang menor de edad?
- Maaaring gawin ang aplikasyon para sa pagbabawas o exemption nang bukod sa aplikasyon para sa rehistrasyon ng paggamit. Subalit, upang tanggapin ang pagbabawas o exemption, kailangang makumpleto ang aplikasyon at pagsusuri o screening bago gawin ang aplikasyon para sa reserbasyon sa paggamit ng serbisyo.
Tungkol sa reserbasyon sa paggamit
Oras ng paggamit
- Mula sa ilang oras ito maaaring gamitin?
- Ang minimum o pinakamababang oras ng paggamit ay 2 oras para sa isang beses. (4 oras ang pinakamahaba)
- Paano kumpirmahin ang natitirang oras ng paggamit?
- Maaaring kumpirmahin ang natitirang oras ng paggamit sa "My Page".
- Maaari bang pahabain ang paggamit?
- Hindi maaaring pahabain o gawan ng extension ang paggamit. Pakigamit ang serbisyo ayon sa oras na nasa reserbasyon.
Singil sa paggamit
- Magkano ang singil sa paggamit ng serbisyo?
- Ang singil sa paggamit ng serbisyo ay 1,500 yen bawat oras, kung saan dalawang oras ang pinakamababang oras ng paggamit.
Bukod pa rito, ang mga sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits at mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax ay maaaring gumawa ng aplikasyon para sa exemption o pagbabawas sa singil sa paggamit ng serbisyo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa exemption o pagbabawas sa singil sa paggamit ng serbisyo, pakitingnan ang "Gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption".
- Ano ang paraan ng pagbayad?
- Ang paraan ng pagbayad para sa singil sa paggamit ng serbisyo ay magkaiba depende sa gagamiting service provider para sa visitation support service, kaya kailangang kumpirmahin ito nang antimano. Para sa karagdagang detalye ukol sa paraan ng pagbayad para sa bawat service provider, pakitingnan ang "Listahan ng service providers".
- Kailangan bang bayaran ng gagamit ng serbisyo ang gastos sa transportasyon para sa pagbisita?
- Hindi kailangang bayaran ng gagamit ng serbisyo ang gastos sa transportasyon para sa pagbisita ng helper sa tahanan. Subalit, kailangang bayaran ang travel expense ng helper para sa paglalakbay na kinakailangan sa loob ng serbisyo, tulad ng suporta sa paghahatid at pagsusundo sa mga katapid, pamimili, at iba pa.
Service provider para sa pagbisita
- Anong service providers ang mayroon para sa visitation services?
- Nakalathala sa "Listahan ng service providers" ang mga service providers para visitation service.
- Maaari bang itakda ang helper na nais gamitin para sa serbisyo?
- Hindi maaaring itakda ang helper na nais gamitin para sa serbisyo.
- Maaari bang gumawa ng kahilingan para sa helper?
- Kapag may mga kahilingan ukol sa helpers, pakilagay ito sa message section ng application form para sa reserbasyon. Subalit, kailangang tandaan na maaaring hindi matugunan ang ginawang kahilingan depende sa nilalaman ng impormasyong inilagay. Pakitandaan din na hindi maaaring itakda ang helper na nais gamitin para sa serbisyo.
Tungkol sa reserbasyon sa paggamit
- Paano magpareserba?
- Pakigawa ang pamamaraan sa pagreserba gamit ang "Application form para sa reserbasyon sa paggamit ng serbisyo" sa "My Page". (Kinakailangang magparehistro sa paggamit ng serbisyo para gumawa ng reserbasyon)
Para sa mga gumawa ng aplikasyon sa papel, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para gumawa ng reserbasyon.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Kailan maaaring gawin ang reserbasyon?
- Ang reserbasyon ay maaaring gawin mula sa dalawang buwan bago ang araw na kung kailan nais gamitin ang serbisyo.
- Maaari bang bumisita kahit saan?
- Bibisita lamang sa address na nasa loob ng siyudad ng Osaka na itinakda sa pagpaparehistro sa paggamit ng serbisyo.
- Anong serbisyo ang maaaring tanggapin?
- Ipinagkakaloob ang visitation support service upang tumulong sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng bata.
Para sa karagdagang detalye ukol sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo, pakitingnan ang "Gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption".
- Maaari bang gamitin ang serbisyo kahit wala ang magulang o tagapag-alaga ng bata?
- Hindi maaaring gamitin ang serbisyo kapag wala ang magulang o tagapag-alaga ng bata. Siguruhing itakda ang reserbasyon sa araw na kung kailan nasa tahanan ang magulang at batang nasasakop sa pagtanggap ng serbisyo.
- Maaari bang hilingin ang paghatid at pagsundo sa nursery o kindergarten?
- Ipinagkakaloob ang suporta sa paghatid at pagsundo sa mga kapatid sa nursery, at iba pa.
- Hindi magawang piliin ang petsang nais gamitin para sa pagbisita.
- Para sa online application, ang petsang nais gamitin para sa pagbisita ay maaaring piliin mula sa 10 araw pagkatapos ng aplikasyon para sa reserbasyon hanggang sa 2 buwan sa hinaharap. Maaari lamang gawin ang reserbasyon sa telepono mula sa 9 araw bago ang petsang nais itakda para sa pagbisita, kaya kailangang sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau. Tandaan lamang na hindi maaaring tanggapin ang reserbasyon sa telepono mula sa 2 araw bago ang petsang nais itakda para sa pagbisita.
*Sa pagkalkula sa bilang ng araw, hindi kasali ang holidays ng service provider para sa visitation support service, tulad ng katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon (Disyembre 29 hanggang Enero 3) at iba pa. Maaaring makatangap ng tawag mula sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau kapag hindi masiguro ang reservation adjustment period.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Ano ang dapat gawin kapag may maraming reserbasyon para sa pagbisita?
- Maaaring gumawa ng isang reserbasyon bawat reservation application. Kapag may maraming reserbasyong nais gawin sa paggamit ng serbisyo, kailangang gawin ang rehistrasyon nang bukod para sa bawat isa. Tandaan lamang na ang bilang ng paggamit sa isang araw ay limitado sa isang beses.
- Wala pang email na nakakarating kaugnay sa reserbasyon.
- Ang sumusunod ay maaaring naging dahilan sa hindi pagtanggap ng email:
1. Lumampas na sa itanakdang kapasidad ang mailbox.
2. Naibukod ang email kabilang sa junk mail (spam) o rejected mail.
3. May itinakdang domain sa pagtanggap ng email (para sa programang ito, ang email ay ipinapadala mula sa "@ouenhelper-osaka.com", kaya pakirehistro ito.) 4. Binago ang email address na ipinarehistro.
Maaari din na kumpirmahin ang nilalaman ng ginawang reserbasyon sa My Page.
- May natanggap na notipikasyon sa email na nagsasaad na hindi maaaring gawin ang reserbasyon.
- Hindi makagawa ng reserbasyon para sa petsa at service provider na nais gamitin sa pagbisita. Pakibago ang nilalaman nito at pakigawa uli ang reserbasyon. Para sa mga katanungan, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Paano kumpirmahin ang nilalaman ng reserbasyon?
- Maaaring kumpirmahin ang nilalaman ng reserbasyon sa "My Page".
Tungkol sa pagkansela
Singil sa pagkansela
- May ipapataw ba na singil para sa pagkansela ng reserbasyon?
- Kung nais ikansela ang reserbasyon pagkatapos ito makumpirma, walang cancellation fee na ipapataw kapag ipinaalam sa "service provider na bibisita" ang pagkansela hanggang sa 5:00 p.m. sa business day bago ang itinakdang araw ng pagbisita.
Subalit, ipapataw ang singil sa pagkansela sa sumusunod na mga kaso:
(1) Kapag kinasela ito paglampas ng 5:00 p.m. sa araw bago ang itinakdang araw ng pagbisita
(2) Kapag wala sa bahay sa araw ng pagbisita
(3) Kapag ang itinakdang bilang ng oras ay pinaikli nang 45 minutos o higit pa
Pakikumpirma sa service provider na bibisita ang paraan ng pagbayad sa cancellation fee.
- Paano bayaran ang singil sa pagkansela ng reserbasyon?
- Ang paraan ng pagbayad sa cancellation fee ay naiiba depende sa service provider na bibisita, kaya kailangang kumpirmahin ito sa service provider.
- Paghiling sa pag-isyu ng resibo sa pagbayad ng cancellation fee.
- Kumunsulta sa service provider na bibisita tungkol sa pag-isyu ng resibo para sa cancellation fee.
*Hindi maaaring mag-isyu ng resibo ang Childrearing Support Helper Bureau.
Tungkol sa reserbasyon sa paggamit
- Paano kung nais ikansela ang reserbasyon?
- Maaaring ikansela sa "My Page" ang reserbasyon kapag hindi pa ito kumpirmado.Kapag nakumpirma na ang reserbasyon, sumangguni nang direkta sa tanggapan ng service provider na bibisita. Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Iba pa
Paraan ng pagawa ng aplikasyon
- Ano ang dapat gawin kapag nakalimutan ang log-in ID o password?
- Sundin ang sumusunod na mga hakbang kapag nakalimutan ang password:
1. Pumunta sa login screen.
2. Isagawa ang pag-click sa link na nagsasaad na "Kapag nakalimutan ang password".
3. Ilagay ang rehistradong email address at ipadala ito.
4. Isagawa ang pag-click sa password reset link sa email para itakda ang panibagong password.
Kapag nakalimutan ang sariling login ID, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
Pagbabago ng impormasyon sa rehistrasyon
- Paano kung nais baguhin ang nilalaman ng aplikasyong ginawa sa papel pagkatapos isumite?
- Kapag naisumite na ang application form para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo, maaaring gamitin ang application form sa pagbabago sa nakarehistrong impormasyon. Sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau para tanggapin ang panibagong papel na application form sa koreo.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Maaari bang baguhin ang impormasyon kahit saan maliban sa My Page?
- Hindi tinatanggap ang kahilingan sa pagbabago sa impormasyon sa rehistrasyon sa pamamagitan ng anumang paraan maliban sa paggamit ng "My Page". Subalit, para sa mga nagsumite ng application form sa papel para sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo, maaaring sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau na magpapadala ng application form na nakalaan para sa pagbabago sa impormasyon sa rehistrasyon.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
Tungkol sa reserbasyon sa paggamit
- Paano kung nais baguhin ang address para sa pagbisita?
- Para baguhin ang address, kailangang gawin ang aplikasyon para sa pagbabago sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Tandaan lamang na hindi maaaring gawin ang pagbabago sa rehistrasyon kapag kasalukuyang may reserbasyon o visitation service, kaya pakikansela muna ang reserbasyon bago gawin ang aplikasyon sa pagbabago sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Para sa mga katanungan, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Paano kung nais baguhin ang petsa at oras ng pagbisita?
- Hinihikayat ang pagkansela sa reserbasyon at paggawa ng panibagong reserbasyon sang-ayon sa petsa at oras na nais gamitin.
- Paano kung nais baguhin ang contact details?
- Pakibago ang contact information sa pagsumite ng aplikasyon para sa pagbabago sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Tandaan lamang na hindi maaaring gawin ang pagbabago sa rehistrasyon kapag kasalukuyang may reserbasyon o visitation service, kaya pakikansela muna ang reserbasyon bago gawin ang aplikasyon sa pagbabago sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo. Para sa mga katanungan, sumangguni sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Osaka City Childrearing Support Helper Bureau
Telepono: 06-6476-8061
Oras ng pagtanggap: 9:00 - 17:30 (sarado tuwing Linggo, piyesta opisyal, katapusan ng taon at umpisa ng bagong taon)
- Paano kung nais baguhin ang nilalaman ng serbisyong gagamitin?
- Pakikansela sa "My Page" ang reserbasyon kapag hindi pa ito kumpirmado, at gawin uli ang aplikasyon para sa reserbasyon. Sa oras na makumpirma ang reserbasyon, hindi na ito maaaring ikansela sa My Page, kaya sumangguni sa tanggapan ng service provider na bibisita. Tandaan lamang na hindi maaaring baguhin ang address, petsa at oras ng pagbisita, kaya kung kinakailangang gawin ang pagbabago, pakikansela muna ang reserbasyon sa My Page (o pagkatapos makumpirma ang reserbasyon ay sumangguni sa service provider na bibisita para ikansela), at pagkatapos ay gawin ang pagbabago sa pamamagitan ng paggawa ng aplikasyon para sa pagbabago sa rehistrasyon sa paggamit ng serbisyo.
*Tandaan lamang na ang lahat ng kanselasyon paglampas ng 5:00 p.m. sa business day bago ang araw ng paggamit ng serbisyo ay papatawan ng singil para sa pagkansela.
Public information flyers
- May ipinadalang information flyer sa bahay kaugnay sa programa, ngunit kanino ito ipinapadala?
- Ang programang ito ay para sa mga pamilyang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang na naninirahan sa loob ng siyudad ng Osaka, at ang notipikasyon ay ipinapadala sa bawat pamilyang nasasakop.
- Dahil walang nakarating na information flyer, posible kayang hindi sakop ang sariling pamilya sa programa?
- Ang programang ito ay para sa mga pamilyang nag-aalaga ng batang nasa 0 taong-gulang hanggang 2 taong-gulang na naninirahan sa loob ng siyudad ng Osaka, at maaaring gamitin ito kapag natupad ang mga kondisyon.
- Saan ipinamamahagi ang information flyers?
- Ipinamamahagi ito ng tanggapan ng Childcare Support Office at Maternal & Child Health Section ng bawat ward office.
Nakalathala din ito sa website para sa Childrearing Support Helper.