Menu

Gabay sa paggawa ng aplikasyon para sa pagbabawas o exemption

Pangkalahatang ideya

Kapag ang lahat ng miyembro ng sambahayan ng nasasakop sa pagtanggap ng visitation support service ay exempted sa pagbayad ng residence tax o di kaya'y tumatanggap ng livelihood support benefits, maaaring gawin ang aplikasyon para sa pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo.
Para sa paggawa ng aplikasyon, pakilakip ang kinakailangang dokumento para sa bawat kategorya ng sambahayan.

<Mahalagang punto>
  • Para sa reserbasyong ginawa pagkatapos ng petsa ng pagdesisyon sa pagbabawas o exemption, ipapatupad ang pagbabawas o exemption sa singil sa paggamit ng serbisyo. Subalit, hindi ito ipapatupad sa paggamit sa labas ng applicable period ng pagbabawas o exemption.
  • Kapag may pagbabago sa pagtanggap ng benepisyo ng sambahayang tumatanggap ng livelihood support benefits, tulad ng pagsuspinde o pagkansela sa benepisyo, o di kaya'y pagkaroon ng pagbabago sa tax status ng sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax, kailangang sumangguni agad sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.
  • Para sa anumang serbisyong ginamit o kanselasyong ginawa habang hindi nasasakop o pumapailalim sa eligibility requirements para sa pagbabawas ng singil, at iba pa, hihilingin ang pagbayad sa singil sa paggamit ng serbisyo at cancellation fee bago ipinatupad ang pagbabawas sa singil, at iba pa na ibabase sa panahong hindi natupad ang eligibility requirements.

Kinakailangang dokumento at expiration date

Kategorya ng sambahayan Kinakailangang dokumento Panahon ng paggamit para sa pagbabawas o exemption Mga bagay na dapat tandaan
Mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax Residence Tax (kita o income) Certificate
Lahat ng miyembro ng sambahayang may kita o income
(kalakip ang ama, ina at iba pa na nagtatrabaho sa ibang lugar, mga kasama sa pamumuhay)
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang①
Mula sa Hunyo 1 ng kasalukuyang piskal na taon hanggang sa Hulyo 31 ng sumunod na taon ・Kapag nagsumite ng Residence Tax Assessment Certificate para sa piskal na taong 2024➡ ang panahon ng paggamit sa pagbabawas o exemption ay mula Abril hanggang Hulyo 31, 2025
・Kapag nagsumite ng Residence Tax Assessment Certificate (maaaring mag-isyu sa Hunyo 2, 2025) para sa piskal na taong 2025➡ ang panahon ng paggamit sa pagbabawas o exemption ay mula Hunyo1, 2025 hanggang Hulyo 31, 2026
Mga sambahayang tumatanggap ng livelihodd support benefits Application of Livelihood Support Certificate
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang②
Mula sa Abril 1 hanggang Marso 31 ng piskal na taong kinabibilangan ng petsa ng pag-isyu ・Ginawa ang pag-isyu sa piskal na taon na kinabibilangan ng araw ng paggamit (ang estado ng applicable period ay nasa "patuloy" o ongoing sa petsa ng pag-isyu)
Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang③
Mula sa Abril 1 hanggang Marso 31 ng kasalukuyang piskal na taon ・Ang petsa ng paggamit ay dapat nasa loob ng validity period ng request form.
Kategorya ng sambahayan Mga sambahayang exempted sa pagbayad ng residence tax
Kinakailangang dokumento Residence Tax (kita o income) Certificate
Lahat ng miyembro ng sambahayang may kita o income
(kalakip ang ama, ina at iba pa na nagtatrabaho sa ibang lugar, mga kasama sa pamumuhay)
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang①
Panahon ng paggamit para sa pagbabawas o exemption Mula sa Hunyo 1 ng kasalukuyang piskal na taon hanggang sa Hulyo 31 ng sumunod na taon
Mga bagay na dapat tandaan ・Kapag nagsumite ng Residence Tax Assessment Certificate para sa piskal na taong 2024➡ ang panahon ng paggamit sa pagbabawas o exemption ay mula Abril hanggang Hulyo 31, 2025
・Kapag nagsumite ng Residence Tax Assessment Certificate (maaaring mag-isyu sa Hunyo 2, 2025) para sa piskal na taong 2025➡ ang panahon ng paggamit sa pagbabawas o exemption ay mula Hunyo1, 2025 hanggang Hulyo 31, 2026
Kategorya ng sambahayan Mga sambahayang tumatanggap ng livelihodd support benefits
Kinakailangang dokumento Application of Livelihood Support Certificate
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang②
Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate
※<Detalye ng mga kinakailangang dokumento>Pakitingnan ang③
Panahon ng paggamit para sa pagbabawas o exemption Mula sa Abril 1 hanggang Marso 31 ng piskal na taong kinabibilangan ng petsa ng pag-isyu Mula sa Abril 1 hanggang Marso 31 ng kasalukuyang piskal na taon
Mga bagay na dapat tandaan ・Ginawa ang pag-isyu sa piskal na taon na kinabibilangan ng araw ng paggamit (ang estado ng applicable period ay nasa "patuloy" o ongoing sa petsa ng pag-isyu) ・Ang petsa ng paggamit ay dapat nasa loob ng validity period ng request form.

Detalye ng mga kinakailangang dokumento

① Residence Tax (kita) Certificate (Residence Tax, Prefectural Tax, Forestry / Environment Tax Certificate)

■ Paraan ng pagkuha

  • Maaaring hilingin sa tanggapan ng Tax Office ng siyudad, Ward Office, sangay na tanggapan ng Ward Office, at iba pa. Pakintingnan ang link sa ibaba para sa mga detalye.
Siyudad ng Osaka: para sa mga hihiling ng sertipiko kaugnay sa buwis sa siyudad
  • Ang pag-isyu ng sertipiko ay isinasagawa sa tanggapan ng munisipalidad na kung saan nakatira sa Enero1, kaya ang mga bagong residente ay kailangang gumawa ng aplikasyon sa tanggapan ng munisipalidad na kinabibilangan ng dating tirahan. (Ang sertipiko mula sa ibang siyudad ay balido din kapag maaari nitong patunayan o kumpirmahin ang pagiging exempted sa municipal tax.)
  • Ang Tax Certificate para sa kasalukuyang piskal na taon ay maaaring ipagkaloob mula sa Hunyo 1 (o sa sumunod na business day kapag natapat ang araw na ito sa Sabado o Linggo). (Halimbawa: ang sertipiko para sa piskal na taong 2024 ay maaaring ibigay mula sa Hunyo 1, 2024.)

■ Ang validity period bilang katibayan

  • Kapag naisumite ang isang balidong sertipiko, hindi na kailangang magsumite ng sertipiko hanggang sa paggamit sa Hulyo 31. (Halimbawa: Kapag magsusumite ng sertipiko sa Agosto 2024, hindi na kailangang isumite hanggang Hulyo 31, 2025.)
  • Subalit, kapag ang residence tax para sa kasalukuyang piskal na taon ay nagbago mula sa pagiging non-taxable at naging taxable, ipaalam ito sa tanggapan ng Osaka City Childrearing Support Helper Bureau.

■ Sample ng sertipiko (sertipiko sa siyudad ng Osaka)

②Application of Livelihood Support Certificate

■ Paraan ng pagkuha

  • Pakigawa ang aplikasyon para sa Application of Livelihood Support Certificate sa tanggapan ng Health & Welfare Center sa sariling lokalidad.
  • Pakihiling ang isang dokumento na naglalaman sa pangalan at petsa ng kapanganakan ng lahat ng miyembro ng sambahayan.

■ Ang validity period bilang katibayan

  • Kapag nakapagsumite na ng balidong Application of Livelihood Support Certificate, hindi na kailangang isumite ang dokumento uli para sa paggamit sa loob ng piskal na taon. Kapag nagbago ang piskal na taon, kailangang isumite uli ang dokumento.

③Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate

■ Paraan ng pagkuha

  • Ang pag-isyu ay gagawin sa tanggapan ng Health & Welfare Center sa sariling lokalidad.

■ Ang validity period bilang katibayan

  • Kapag nakapagsumite na ng balidong Holiday/Nighttime Medical Treatment Request Certificate, hindi na kailangang isumite ang dokumento uli para sa paggamit sa loob ng piskal na taon. Kapag nagbago ang piskal na taon, kailangang isumite uli ang dokumento.